NAGDADALAWANG-isip na si Pangulong Duterte kung itutuloy pa ang plano niyang pagkonsulta sa mga dating presidente kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), ani presidential spokesperson Harry Roque.
“Mukha namang after JPE (dating Senate President Juan Ponce Enrile) concurred that the President is pursuing the right policy on the West Philippine Sea, wala naman pong urgency na pag-usapan itong bagay na ito, either with the National Security Council (NSC) or with the former presidents” ani Roque.
Idinagdag ng opisyal na nasisiyahan si Duterte na wasto at gumagana ang kanyang foreign policy.
“Ang impression ko po is he’s satisfied that his policy on the West Philippine Sea is correct and is working,” sabi pa niya.
Matatandaang sinabi ni Duterte na mas gusto niya na imbitahan ang mga dating pangulo upang pag-usapan ang umano’y pangangamkam ng China sa teritoryo ng Pilipinas imbes na magpatawag ng NSC.
Pero tila nagbago na ang isip ng Pangulo matapos siyang payuhan ni Enrile na nanatiling “friendly” sa China, ani Roque. –WC