Duque hero? Baka hilo –Lacson

BAKA hilo at hindi hero si Health Sec. Francisco Duque III.


Ito ang sinabi ni Sec. Panfilo Lacson bilang reaksyon sa pagdedeklarang bayani ni Pangulong Duterte kay Duque dahil matagumpay umanong kampanya ng gobyerno’ kontra-Covid-19.


“He said that the Philippines is doing good in the fight against COVID-19 and called his health secretary a ‘hero.’ What he really meant was ‘hilo,’” tweet ni Lacson.


Ganito rin ang sentimyento ni Sen. Francis Pangilinan.


“Yung pagiging ‘excellent’ at pagiging ‘hero ni Duque dahil sa good covid response’, palagay ko sila sila na lang ang naniniwala doon,” ani Pangilinan.