DU30 hindi idiniretso sa ospital matapos ang SONA

ITINANGGI ni Pangulong Duterte na itinakbo siya sa ospital makaraan ang kanyang State of the Nation Address kahapon.


Ito ang naging sagot ni Duterte sa sari-saring “kwento” na kumalat sa social media matapos niyang madulas at mawalan ng balanse habang patungo sa podium para magtalumpati.


“May natapak sa paa ko. Pero okay ako. Wala pa naman akong pain,” aniya sa isang panayam.
Hindi rin totoo, dagdag niya, na nasa ospital siya at nagpapagamot.


“Wala po, sa awa ng Diyos,” ani Duterte.


Inihayag din ni presidential spokesperson Harry Roque na walang dahilan para mag-alala ang publiko sa kalusugan ng Pangulo.


“Wala naman po siyang extraordinary na problema. He is who is, he is a senior citizen at mukhang nadulas lang naman siya kahapon,” ani Roque.


“I don’t think it’s anything to worry about, kung ang iniisip ng taumbayan ay ang kanyang kalusugan. Parang nadulas lang talaga siya kahapon,” dagdag ng opisyal.


Matatandaan na nawalan din ng balanse ang Pangulo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Bulacan noong Hunyo. –WC