IPINABABASURA ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagang suspendihin ang implementasyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN law.
Sa Talk to the People na inere Miyerkoles ng umaga, sinabi ni Dominguez na imbes na ipatigil, dapat maglaan na lamang ang pamahalaan ng P200 ayuda kada buwan sa bawat pamilya sa loob ng isang taon para sa mga mahihirap na Pinoy.
Idinagdag ni Dominguez na maglalaan ng P33.1 bilyon para pondohan ang ayuda para sa mahihirap.
Nauna nang nanawagan ang iba’t ibang grupo para ipatigil ang implementasyon ng excise tax sa harap ng pagtaas ng presyo ng langis na dala ng gera sa pagitan ng Russia at Ukraine.