MULING ipinagtanggol ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa harap naman ng isinasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y overpriced na PPEs, mask at face shield na binili ng pamahalaan.
“I want to disabuse the minds of the detractors of the government. Walang nangyaring korupsyon sa ginawang procurement ng gobyerno,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the nation na inere ngayong umaga.
Sinabihan pa ni Duterte ang mga senador na tigilan ang pagdidikta kay Duque.
“Do not dictate on Duque, siya ang nagpapatakbo. Hayaan nyo siya to complete his work. At the end of the day, kung palpak ang trabaho niya then that is the time for reckoning but not before completing his work as secretary, wala pang korupsyon, ako na mismo ang nagsasabi,” dagdag ni Duterte.