TULOY at tila wala na ngang atrasan si Pangulong Duterte sa pagsabak niya sa vice presidential race sa 2022 elections.
Ito ay matapos niyang kumpirmahin ang kanyang pagtakbo bilang pambato ng PDP-Laban sa isinagawang national convention ng partido ngayong Miyerkules sa Pampanga.
“I thank the party for nominating me as vice president. I would like to continue serving my countrymates and leading the nation to greater progress,” pahayag ni Duterte sa pagtanggap sa nominasyon bilang ka-tandem ni Senador Bong Go sa darating na halalan.
“Why am I running as vice president. Out of ambition? Maybe. Love of country? Yes. I’d like to see a continuity of my efforts like against terrorism. Gusto ko nandiyan lang ako. Somebody just have to tell them, to nudge them. The sense of fulfillment, tapos na ako,” dagdag pa nito.
Pormal nang inendorso ng PDP-Laban Cusi Wing ang tambalang Go-Duterte sa 2022 elections.