Lacson-Sotto 2022 election bid tuloy na tuloy na

PORMAL nang inilunsad ang tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III para sa kanilang election bid sa darating na taon.

Iniere ng live ang formal launching ng kanilang tandem sa dalawang major television channel Miyerkules.

Si Lacson ay sasabak sa pagkapangulo habang si Sotto na naman ang kanyang magiging running mate. Ang kanila umanong tandem ang magibigay sa publiko ng opsyon para pangunahan ang bansa para makaahon mula sa dagok na dala ng pandemya.