MULING humataw si Pangulong Duterte sa kanyang performance rating, base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Sa survey na ginawa mula Disyembre 1-6, pumalo sa 71 percent ang performance rating ni Duterte, pitong porsiyento na mas mataas kaysa sa 64 percen na nakuha niya noong Setyembre.
Base sa inisyal na datos ng Pulse Asia, nakapagtala si Duterte ng dalawang porsyentong disapproved habang 22 percent naman ang undecided.
Maging si Senate President Vicence Sotto III ay hataw rin sa performance rating at pumantay kay Duterte sa 71 percent habang may 7 disapproval rating.
Si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha ng 43 percent approval rating habang 34 disapproval at 23 percent ang hindi sigurado sa kanyang performance.