Robredo naka-quarantine muli

MATAPOS magpositibo sa coronavirus disease ang kanyang close-in security, muling sumailalim sa quarantinesi Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang video message ngayong Miyerkules, sinabi ni Robredo na bagamat gusto niyang puntahan pa ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette, kailangan niyang sundin ang health protocol.

Dahil dito, kailangan niyang mag self-quarantine ng pitong araw o hanggang Enero 4, 2022.

Maging ang anak niyang doktor na si Tricia ay dinapuan din ng virus ngunit nagnegatibo na.

Nitong mga nakaraang linggo, naging abala si Robredo na isa ring presidential candidate sa darating na halalan, sa maraming probinsiya sa Visayas at Mindanao na hinagupit ng bagyong Odette, para magbigay ng tulong sa mga nasalanta.