DepEd: Pagkalap ng info sa miyembro ng ACT, TDC walang motibo

IPINALIWANAG ni Education Secretary Leonor Briones na walang masamang motibo ang kagawaran sa paghingi ng listahan ng mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC).


Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Briones na normal na proseso lamang ang ginagawa ng DepEd na alamin ang mga kinaanibang organisasyon ng mga guro.


“Ang mga lehitimong organisasyon, hindi naman sila underground, so they have to register,” sabi ni Briones.


Sinabi pa ng Kalihim na siya at hindi ang mga guro ang nakararanas ng pangha-harass dahil sa programa ng DepEd.


“I am the one who feels harassed because I’m told to go to hell, I’m told that I am a whore, and I’m told that some groups are continually praying that I will rot in hell. So if that is not harassment—the trouble is we are not sure to whom they are praying to kasi many of course do not believe in religion and they keep on praying that something will happen to me,” ayon kay Briones.