PINAYUHAN ni Energy Secretary at PDP-Laban vice chairman Alfonso Cusi ang presidente ng partido na si Sen. Manny Pacquiao na umalis na lang sa partido kung ang gagawin lang nito ay siraan ang kanilang chairman na si Pangulong Duterte.
Ginawa ni Cusi ang pahayag matapos kastiguhin ni Duterte si Pacquiao sa sinabi nito na mas malala ang katiwalian sa kasalukuyang administrasyon kumpara sa pamahalaan ni namayapang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
“It’s really unfortunate that the acting president of the party is accusing the chairman—who is the President of the country—of those things, that Senator Pacquiao said openly,” ani Cusi.
“If you don’t like the company you’re working for, don’t say something about it. Lumayas ka muna bago mo sunugin ang bahay mo,” hirit pa ng opisyal.
Itinanggi naman niya na plano ng mga miyembro ng PDP-Laban na patalsikin si Pacquiao bilang presidente ng partido sa natakdang national assembly sa Hulyo.
“That is not in my agenda. The agenda that we are having is all party matters. (But) if Manny Pacquiao is already attacking the President, then I would say he is not supporting the President. Maybe his group is not supporting the President but this will be decided on the assembly. But I believe we should meet once and for all to settle this issue,” aniya. –WC