TransPinay sasabak sa Miss USA 2021

GORABELS na sa pagsabak sa Miss USA 2021 ang Fil-Am na transgender na si Kataluna Enriquez.

Ito ay matapos maiuwi ng 27-anyos na TransPinay ang korona bilang Miss Nevada USA nitong Lunes (Philippiines time).

Kinabog ni Enriquez ang 21 iba pang kandidata Miss Silver State pageant.

Proud na proud na ibinandera ni Enriquez ang sariling gawang gown under her own brand name Kataluna Couture.

Agad namang binati ng Fil-Am transgender-rights advocate and model na si Geena Rocero at Mela Habijan si Enriquez sa panalo nito.

“She will be the first trans woman to compete at the Miss USA pageant,” chika ni Habijan sa kanyang tweet.

Gaganapin ang Miss USA 2021 sa Nobyembre 29.

Kung sakaling siya ang manalo sa darating na patimpalak, siya ang magiging representative sa Miss Universe, at ikalawang transwoman na sasabak sa prestihiyosong beauty pageant.