NANINIWALA ang pamahalaan na ang pagpanaw ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria “Joma” Sison ay senyales na tuluyan nang guguho ang grupo.
“The death of Jose Maria Sison is but a symbol of the crumbling hierarchy of the CPP-NPA-NDF (New People’s Army-National Democratic Front) which he founded to violently put himself in power,” ayon sa kalatas na inilabas ng Department of National Defense.
Malungkot lamang, dagdag ng pahayag, dahil hindi na madadala sa hustisya sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas ang mga kasalanang nagawa ni Sison.
“Sison was responsible for the deaths of thousands of our countrymen. Innocent civilians, soldiers, police, child and youth combatants died because of his bidding,” ayon pa sa DND.
Galak na galak naman si Lorraine Badoy, ang dating spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagpanaw ni Sison.
Sa kanyang post sa Facebook, tinawag pa ni Badoy na demonyo si Sison.
“With the death of this royal ass, the death of the CPP NPA NDF is imminent. Padaliin pa natin. Magtulungan tayo. Rest in Piss, Demonyo. May your soul burn in hell for all eternity,” anya.
Dapat din umanong magpaliwanag ang Netherlands sa ginawa nitong pagkupkop ng mahabang panahon kay Sison.
“For this, the Nederlands has much to answer for to the Filipino nation and the global community. And for this, his accomplices have much to pay for. And we must exact Justice from each and every one of them,” ani Badoy.