Cabinet members nagsigawan sa meeting?

ITINANGGI ni presidential spokesperson Harry Roque na nagkaroon ng sigawan sa pulong ng Gabinete makaraang mabigong makabili ng 200 ICU beds ang pamahalaan mula sa isang Austrian company.


“Wala pong sigawan na nangyari. Hindi po nangyayari ‘yung ganun,” giit ni Roque.


Ayon sa ulat, sinisisi ng ilang miyembro ng Gabinete si Health Secretary Francisco III dahil sa naunsyaming transaksyon.


“Wala pong katotohanan ito. Ang alam ko pong offer ay 200 hospital beds at 15 lang ang ICU beds na kabahagi sa offer (kaya hindi natuloy ang pagbili),” sabi ni Roque.


“Pero wala pong shouting match kasi ang talagang kinakailangan ng Pilipinas ngayon ay ICU beds. Patuloy po ang pag-uusap sa pamumuno po ni Secretary Duque para dito sa additional 200 ICU beds,” dagdag niya.


Ayon sa opisyal, inaasahan nila na magsusumite ng panibagong proposal ang nasabing Austrian company ngayong linggo.