IBINASURA ni Pangulong Bongbong Marcos ang panawagang pagbibitiw ni Justice Secretary Boying Remulla matapos masangkot ang anak nito sa ilegal na droga.
“I think the call for him to resign has no basis. You call for somebody to resign if he’s not doing his job or that they have misbehaved in the job,” sabi ni Marcos.
Nauna nang kinumpirma ni Remulla na anak niya ang naarestong si Juanito Jose Diaz Remulla III.
Nakuha kay Remulla ang P1.3 milyong halaga ng kush o high grade marijuana noong Martes, bagamat isinapubliko nito lamang Huwebes.