NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na hindi siya magbibitiw sa pwesto dahil lang sa pagkakaaresto ng kanyang anak para sa P1.3 milyon halaga ng high grade marijuana.
Giit pa ng kalihim na malinis ang kanyang konsensiya at ang tanging makapagtutulak sa kanya para magbitiw ay sa sandaling hingin ito ni Pangulong Bongbong Marcos.
“Resignation (over my son’s case) never entered my mind and it will not. Because I have a clear conscience, and this is probably the best example of the justice system working,” pahayag ni Remulla sa isang livestream interview nitong Linggo.
“The son of a justice secretary himself is facing charges… Is there anything heavier than that?” dagdag pa niya.
Inaresto ang anak ni Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III noong isang linggo sa isang drug operation sa Las Pinas City. Nakumpiska sa kanya ang P1.3 milyon halaga ng kush o high grade na marijuana.
“(There’s) only one thing that can make me resign: when President Marcos himself tells me I’m no longer useful to him. If that happens, I will resign,” giit pa ng Justice secretary.