BUBUSISIING mabuti ng incoming Bureau of Internal Revenue Commissioners na si Lilia Guillermo ang mga dokumento patungkol sa P23 bilyong tax deficiency ni President-elect Bongbong Marcos.
At sa sandaling may makitang dapat ngang kolektahin ang BIR, ay hihilingin umano niya kay Marcos na bayaran ito a magsilbing role model ng publiko.
“Kung saka-sakali I have to collect or BIR has to collect, sasabihin ko this amount and this amount ay di naman po talaga kayo ang magbabayad, it’s the estate. Pwede ho ba maging role model kayo?” pahayag ni Guillermo sa panayam ng ANC’s Headstart.
“But I should have the correct data, I should know what really is in that decision. Ie-explain ko sa kanya, siguro dalawa kami ni (Bangko Sentral ng Pilipinas) Gov. (Benjamin) Diokno mageexplain sa kanya,” dagdag pa niya.