MARIS RACAL NAHIRAPANG ILABAS SI RICO

INAMIN ng aktres na Maris Racal na nahirapan silang mag-date ng kanyang boyfriend na si Rico Blanco dahil natatakot sila na baka hindi sila maintindihan ng publiko.

Sa isang vlog ay ikinuwento ni Maris ang kanilang mga “firsts” ng kasintahan.

Chika niya, dahil nagtatago pa silang dalawa ay sa Las Vegas pa ang naging unang date nila ni Ruci.

“Noong naging tayo, hirap tayo mag-date kasi ayaw nating makita ng mga tao kasi takot tayo baka ’di nila tayo maintindihan,” chika niya.

Inamin din ni Maris na sobrang crush niya si Rico noon pa kaya na-starstruck ito noong una niyang makita ang singer.