INIULAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Biyernes na bumaba ang unemployment rate nitong nakaraang Marso matapos makapagtala ng 5.8 porsiyento kumpara sa 6.4 porsiyento noong Pebrero.
Sinabi ng PSA na umabot sa 2.87 milyon ang naitalang walang trabaho noong Marso habang 3.13 milyon naman noong Pebrero.
Nabawasan ang walang trabaho ng 566,000.
Ayon sa PSA, nakapagtala ng 94.2 porsiyentong employment rate noong Marso 2022.
Samantala, umabot ang underemployment rate nitong Marso 2022 sa 15.8 porsiyento. Ito ay mas mataas kumpara sa naireport noong Pebrero 2022 na nasa 14.0 porsiyento.