PAGBABASEHAN ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang pagiging Katoliko sa gagawing pagboto sa mga panukala na may kinalaman sa SOGIE, same-sex marriage at divorce.
Gayunman, inihayag ni dela Rosa na handa siyang pakinggan ang mga argumento ng mga nagtataguyod ng mga nasabing panukala.
“I am devoted Catholic [na] talagang [kung] anong sinasabi ng Bibliya, sinasabi ng teachings, Catholic religion ay sinusunod natin talaga for life. Pero there are emerging trends, emerging issues na dapat nating bigyan ng konsiderasyon at ‘wag nating isara ang ating puso’t isipan sa mga isyu na yan dahil for all we know buhay ng tao ang apektado sa issues na ‘yan so for me I am open,” paliwanag ng senador.
Ayon kay dela Rosa, karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko na mayroong konserbatibong pananaw sa mga nasabing isyu.
“Being a Catholic nation, medyo malaking debate pa ‘yan, pag-uusapan pa talaga ‘yan. How many percent of the Filipinos are Catholic? That will really weigh down on decision making or any measures,” aniya pa.
Sinegundahan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang sinabi ni dela Rosa na kailangang pag-aralan na mabuti ang mga panukala.
“Mahal ko ang ating LGBT full support po ako sa kanila noon pa man pero itong same sex marriage pag-aralan ko ito, at ang same-sex union pag aralan ding mabuti kung katanggap-tanggap na ba sa marami,” sey ni Go.