NANINIWALA si Senador Richard Gordon na nais lamang ilihis ni Pangulong Duterte ang isyu ng korupsyon sa kanyang administrasyon na may kaugnayan sa overpriced medical supply kung kayat siya ang pinag-iinitan nitong bakbakan ngayon
“I think it is an attempt by the President to try and distract the people once again,” ayon kay Gordon nang magsalita ito sa Philippine Chamber of Commerce and Industry 3rd General Membership Meeting.
Huwebes ng gabi nang akusahan ni Duterte si Gordon na ginagamit nito ang Philippine Red Cross para sa kanyang political plans.
“You know I’ve not even announced anything yet. I may not even run for the Senate anymore. I may not run for President or Vice President or even run for mayor. Why am I being tainted?” dagdag pa nito.
Dahil dito, nakiusap ang senador sa Pangulo na hayaan na lamang sagutin ng kanyang mga tauhan ang isyu tungkol sa overpriced na medical supply at huwag ilihis ang isyu.
“Ang pakiusap ko lang, Mr. President, have your people answer the question. Ano ang ginawa niyo sa pera? Yan ang tinatanong e,” dagdag pa ni Gordon.