Expert: Di pa dapat maalarma sa ‘MU’ variant

SINABI ngayon ni Philippine Genome Center Executive Director Cynthia Saloma na walang dapat ikaalarma sa bagong variant na ‘Mu’ na nauna nang nadikubre sa ibang bansa.

“Gusto ko lang pong ipahiwatig sa ating tagapakinig na just because may nakita na namang variant, maalarma na naman po tayo,” sabi ni Saloma.

Nauna nang napaulat na ang bagong variant na “Mu” ang siya ngayong nangungunang variant sa Colombia kung saan doon din nadiskubre.

“Huwag po tayong maalarma kasi iyong mutation on the emergence of variants natural po ‘yan sa evolution ng isang virus,” paliwanag ni Saloma.