NANAWAGAN si detained Senator Leila De Lima sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang asset ng mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. matapos makabili ang mga ito ng mamahaling sasakyan.
Sinabi ni De Lima na kailangang i-freeze ang kanilang asset bago pa ito makaalis ng bansa.
“The AMLC should immediately apply for a freeze order and initiate civil forfeiture proceedings against these shameless profiteers…. That Lamborghini, that Porsche, that Lexus, are the people’s money. That is our money,” ani De Lima.
Sinabi rin niya na kailangan din na i-freeze ang asset ni dating Presidential Adviser Michael Yang na umano’y sangkot sa pagbili ng overpriced na PPEs.
“Alam naman nating si Michael Yang lang at ang kanyang koneksyon kay Duterte ang dahilan kung bakit nakorner ng mga ito ang bilyon-bilyon na kontrata sa gobyerno,” pahayag ni De Lima.
“Saka na ‘yung kalabaw. Kahit hanggang sa kanyang BFF na si Michael Yang muna,” dagdag ng senador.