YouTuber pinalipad ang pet dog, inaresto

BAGSAK sa kulungan ang YouTuber sa India na mayroong mahigit limang milyong follower makaraan niyang talian ng mga lobo at paliparin ang kanyang alagang aso saka ipinost ang video nito sa kanyang channel.


Todo-hingi naman ng paumanhin sa publiko si Gaurav Sharma matapos siyang makalabas ng kulungan.


“Whoever is angry with me, I apologize with folded hands. I understand this was a big mistake,” aniya.


Iginiit niya na mahal niya ang kanyang asong si Dollar at wala sa plano niya na masaktan ito.


Hindii naman mataas ang nilipad ng aso dahil agad naman itong inabot ng kasama ni Sharma.


“I’m unmarried and Dollar is like my child,” aniya. “In my old videos on YouTube you can see, I shop for Dollar for summers, winters. I buy him treats, I take him out. I even celebrate his birthday by inviting other dogs.”


Dinakip si Sharma dahil sa reklamo ng mga animal welfare groups na nakapanood ng video.