Robin Padilla, makinig ka: Resulta ng self-swabbing kuwestiyunable –Palasyo

NAGBABALA si Health Secretary Francisco Duque III na kuwestiyunable ang resulta ng self-swabbing.


Ito ang inihayag ni Duque makaraang nag-viral ang video ng aktor na si Robin Padilla na nagsasagawa ng Covid-19 swab test sa kanyang sarili.


“There are protocols and standards that are being followed in conducting swab tests,” ayon sa opisyal.


“Hindi puwedeng sa sarili mo gagawin ‘yan dahil ang iyong resulta ay magiging kwestiyonable,” dagdag niya.


Sa post, sinabi ni Padilla na gjnawa niya ang self-swabbing upang hindi na maabala umano ang mga health workers. –WC