The Rock tatakbong pangulo ng US kung…

IBINUNYAG ni “Fast & Furious” star Dwayne “The Rock” Johnson na tatakbo siya bilang pangulo ng US kung sa pakiramdam niya ay susuportahan siya ng mga Amerikano.


Matagal nang nagpaparamdam si Johnson, 48, isa sa mga highest paid actors sa US, na nais niyang tumakbo sa pagkapangulo.


“I do have that goal to unite our country and I also feel that if this is what the people want, then I will do that,” aniya sa isang panayam.


Hindi naman niya sinabi kung saang partido siya sasapi at kung kailan niya balak tumakbo.


Ginawa ni Johnson ang deklarasyon matapos lumabas sa survey ng Piplsay na 46 porsyento ng mga Amerikano ang nagkokonsiderang iboto siya bilang presidente.


Kilala bilang “The Rock,” sinabi ni Johnson na natutuwa siya sa resulta ng survey.


“I don’t think our Founding Fathers EVER envisioned a six-four, bald, tattooed, half-Black, half-Samoan, tequila drinking, pick-up truck driving, fanny-pack wearing guy joining their club – but if it ever happens it’d be my honor to serve you, the people,” aniya sa Instagram post.


Ilan pa sa mga obra ni Johnson ang Hercules, San Andreas, Central Intelligence, Rampage, Skyscraper at Luke Hobbs.