Taylor Swift nangopya ng kanta?

NAHAHARAP sa copyright issue ang American pop star na si Taylor Swift dahil sa diumano’y pangongopya nito sa kantang “Shake It Off”.

Ayon mga nagrereklamo, ginaya umano ng singer ang kanta ng 3LW na “Playas Gon’ Play” na inilabas noong 2001.

Partikular na kinuwestyon ang paggamit ni Taylor sa mga katagang “players gonna play” at “haters gonna hate”.

Nauna nang ibinasura ng korte ang kaso hanggang ini-apela ito ng mga nagrereklamong song writers na sina Sean Hall at Nathan Butler.

Hindi pa naiaanunsyo kung kailan gagawin ang trial laban sa singer.