PINAGBAYAD ang isang lalaki ng €204,000 (P 12 million) sa kanyang dating misis para sa 25 taon na unpaid domestic labor.
Ito ang nakapaloob sa divorce settlement na dinisisyunan ng Malaga court sa Spain matapos nitong katigan ang hiling ni Ivana Moral na bayaran siya dapat ng kanyang dating asawa sa ginawang pag-aalila sa kanyan sa nakalipas na 25 taon habang sila ay nagsasama.
Kinalkula ng korte ang hiling ni Moral na unpaid minimum wage na €1,080 bilang buwanang kabayaran sa kanyang pagtatrabaho sa kanilang bahay habang sila ay mag-asawa pa.
Inatasan din ng korte ang dating mister na bigyan si Moral ng €500 buwanang pensyon. Bukod dito dapat ding magbayad ang lalaki ng €400 at €600 kada buwan para sa kanyang dalawang anak na may edad na 14 at 20.
“Clearly this was a case of abuse, to be completely excluded financially (by my former husband) after my marriage ended, so my daughters and I were left with nothing after all these years of putting my time, energy and love into the family.
“I was supporting my husband in his work and in the family as a mother and a father. I was never allowed access to his financial affairs; everything was in his name,” ayon kay Moral sa panayam sa isang British media.
Ikinasal ang dalawa noong 1995. Humiling ng dibosyo si Moral noong 2020.
Bagamat hindi pinangalanan ang dating mister, naging matagumpay umano ang negosyo ng dating asawa ni Moral. Dahil dito nakabili ito ng mga mamahalin at magagarang mga sasakyan at nakapagpalago ng olive oil farm na ngayon ay nagkakahalaga ng €4 million.