PUMANAW na si Queen Elizabeth, ang pinakamatagal na “nagharing” reyna sa Britanya Huwebes, sa edad na 96, ayon Buckingham Palace.
“The Queen died peacefully at Balmoral this afternoon,” ayon sa ipinalabas na kalatas ng Palasyo.
“The King and The Queen Consort will remain at Balmoral this evening and will return to London tomorrow.”
Dahil sa pagpanaw ng reyna, otomatikong magiging hari at pinuno ng estado sa 14 kabilang na ang Australia, Canada at New Zealand.
Ang kanyang asawa ni Camilla ay otomatiko rin na magiging Queeon Consort.
Bago ang kanyang pagpanaw, sumugod ang pamilya ni Queen Elizabeth sa kanyang Scottish home na Balmoral Castle matapos magpahayag ng pangamba ang kanyang mga doktor dahil sa malalang kalagayan nito.
Idineklarang reyna si Queen Elizabeth II, noong Pebrero 6, 1952, matapos pumanaw ang kanyang ama na si King George VI. Siya ay 25-anyos lamang noon. Si Elizabeth ang pinakamatanda at may pinakamahabang panunungkulan bilang reyna sa buong mundo.