GINAHASA umano ng Backstreet Boys member na si Nick Carter ang isang fan na PWD noong 2001.
Ayon kay Shannon Ruth, naganap ang sex assault sa tour bus ng banda noong siya ay 17-anyos.
“The last 21 years have been filled with pain, confusion, frustration shame and self-harm that are a direct result of Nick Carter raping me,” ayon kay Ruth na ngayon ay 39-taong-gulang.
“Even though I’m autistic and live with cerebral palsy, I believe that nothing has affected me more than or had a more lasting impact on my life than what Nick Carter did and said to me,” dagdag niya.
Kwento ni Ruth, hinihintay niya ang mga miyembro ng boy band nang ayain siya ni Carter sa loob ng tour bus.
Doon ay pinainom umano siya ng juice bago dinala sa toilet at ginahasa.
Sinaktan din umano siya ni Carter.
Ayon kay Ruth, nagsalita siya makaraan ang mahigit dalawang dekada dahil kailangang managot sa batas ang singer.
“My motivation for coming forward today and filing this lawsuit is to stop Nick Carter from assaulting more teens and women. I know now that I wasn’t the only woman Nick Carter did this to,” aniya.