Meralco may dagdag singil ngayong Disyembre

INIHAYAG ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad ito ng taas singil sa kuryente ng P0.33 kada kilowatt per hour ngayong Disyembre.

Nangangahulugan ito ng P66 na karagdagang singil sa mga kumokunsumo ng 200kwh, samantalang dagdag na P99 naman para sa mga sa mga gumagamit ng 300kwh.

Samantala, aabot naman sa P132 ang madadagdag sa mga umaabot ng 400kwh at P165 para sa mga kumukunsumo ng 500kwh.