MISTER NAGPABAKUNA, TINUTUKAN NG BARIL NG MISIS; NAGBANTA PANG MAGSU-SUICIDE

DINAKIP ang 74-anyos na ginang makaraan niyang tutukan ng baril ang asawa na nalaman niyang nagpabakuna kontra-Covid-19 sa Nevada, USA.

Ayon sa ulat, nagwala si Deborah Ellen McCauley, 74, dahil nag-aalala ito sa mga side effects ng bakuna. Inamin naman ng ginang sa mga pulis na nagalit siya dahil hindi nagpaalam sa kanya ang mister na magpaturok ito. Inamin din niya na kumuha siya ng baril at nagbantang magpapakamatay.

Pero iba naman ang kwento ni mister. Aniya, pinagmumura siya at pinagbabato ng gamit ng asawa.

Sa kalagitnaan ng away ay kumuha ng baril ang ginang at itunutok sa mister saka pinagbantaan itong papatayin.

Sa takot ay nagtatakbo palabas ang mister.

Nang dumating ang mga pulis ay minura rin ang mga ito ng suspek.