MAY alok na 5,00 yuan o humigit-kumulang P40,000 ang isang sperm bank sa China para sa mga magdo-donate ng kanilang semilya.
“We invite you to do public service and donate your sperm!” hirit ng Zhejiang Human Sperm Bank na desperado na umano sa donasyon dahil sa matinding kakulangan ng volunteers.
“Your kindness sparks hope, your devotion helps the future,” post sa Weibo ng sperm bank.
“We invite you to do public service and donate your sperm!” pakiusap nito sa publiko sa naunang post.
“Donating sperm is the same as donating blood, it’s a noble humanitarian act, it shows a whole new understanding of life,” dagdag ng kumpanya.
Nakabase sa siyudad ng Hangzhou, Zhejiang ang Zhejiang Human Sperm Bank.
Pero sinabi ni Sheng Huiqiang, director ng sperm bank, hindi lahat ay maaaring mag-donate ng kanila semilya.
Mataas ang tiyansang matanggap ang college student na may major na Physical Education, nasa pagitan ng 20 at 40 ang edad, at hindi bababa sa 5’4″ ang height.
Ang kwalipikadong semilya ay ibibigay sa mga pamilyang walang kakayahang makabuo ng anak o may minana na sakit.
“This sperm bank has helped over 2,000 families every year and in the 16 years since its founding, 11,420 babies have been born,” ayon kay Sheng.