31 TIKLO SA TUPADA, ONLINE SABONG

SA loob na ng kulungan sasalubungin ng 31 katao ang Linggo ng Pagkabuhay makaraan silang masakote sa dalawang magkahiwalay na operasyon kontra-sabong sa Northern Samar at Davao City noong Biyernes Santo.


Sa Northern Samar, 14 sabungero ang nadakip sa Victoria, tatlo sa Rosario, tatlo rin sa Allen, at dalawa sa Mondragon.


Nakuha sa kanila ang mga manok na panabong at mahigit P6,000 na taya.


Samantala sa Davao City, nahuli sa akto ang siyam na lalaki na naglalaro ng online sabong sa Brgy. Zabate sa Bangkal.


Dinakip din ng mga pulis ang dalawa katao na tinangkang pigilan ang pagdakip sa siyam.