MAY 127 katao ang nasawi nang mauwi sa riot ang isang football match Sabado ng gabi sa Indonesia.
Ayon sa mga ulat, sinugod ng mga fans ang pitch sa Kanjuruhan stadium sa eastern city ng Malang, at nang rumesponde ang mga pulis gamit ang teargas ay nagdulot ito ng stampede.
Nangyari ang panunugod ng Arema FC supporters sa pitch matapos matalo ito sa iskor na 3-2 laban sa Persebeya Surabaya, ang kauna-unahang pagkatalo nito sa nakalipas na dalawang dekada sa mahigpit na kalaban.
Karamihan sa mga nasawi ay mga nadaganan habang dalawa sa mga pulis ang nasawi.
“In the incident, 127 people died, two of whom are police officers. Thirty-four people died inside the stadium and the rest died in hospital,” ayon sa East Java police chief na si Nico Afinta.