INIHAYAG ng Civil Service Commission na ang Social Security System ang pinakamasahol na ahensya ng pamahalaan dahil sa dami ng reklamo noong 2020 at ngayong taon.
Ayon kay CSC chair Alicia dela Rosa Bala, nakatanggap ang SSS ng pinakamaraming reklamo mula sa publiko.
Kabilang sa mga angal dito ang mga bastos na empleyado, mabagal na proseso, magulong procedure, walang makausap sa hotline, at walang aksyon sa mga request.
Pumapangalawa sa listahan ang Land Transportation Office na inirereklamo dahil sa dami ng fixer, walang galang ang mga empleyado, mabagal ang proseso, magulo ang procedure, at hindi nahaharap ang mga kliyente.
Kabilang din ang mga sumusunod na ahensya at kagawaran na maraming natatanggap na reklamo: Bureau of Internal Revenue, Department of Social Welfare and Development, Philippine Statistics Authority, Land and Registration Authority, Department of the Interior and Local Government, Philippine Postal Corporation, PAG-IBIG fund at Department of Health.