Face shield required pa rin sa magsisimba sa Quiapo

IPINAALA ng mga namamahala sa simbahan ng Quiapo na kailangan pa ring magsuot ng face shield ang lahat ng magsisimba rito.


Napag-alaman din ng PUBLIKO na maging ang mga makikinig ng misa sa labas ng Minor Basilica of the Black Nazarene ay dapat magsuot ng face shield.


Ayon sa mga namamahala ng simbahan, naniniwala pa rin sila na makapipigil sa pagkalat ng Covid-19 ang face shield.


Bumuhos ang mga deboto sa simbahan ngayon araw, ang huling Biyernes sa buwan.


Dahil 10 porsyento lang ang pinayagang seating capacity sa loob ng simbahan kaya napuno ng tao ang Plaza Miranda.


Tanging mga bakunado lamang ang pinapayagan sa loob ng Quiapo Church.