MATAPOS hindi makapasok sa Top 10 ng 69th Miss Universe competition, bumaha ng mensahe ng suporta kay Rabiya Mateo mula sa mga Pilipino, kabilang ang dating mga Miss Universe na sina Catriona Gray at Pia Wurztbach.
“Rabiya, we love you. Thank you for pouring your heart for the Philippines,” tweet ni Pia.
“We see your heart queen,” dagdag ni Pia, ang Miss Universe 2015.
Samantala, sinabi ni Catriona na matindi ang labanan ngayong taon at sinabi niyang proud siya kay Rabiya.
“She made our country proud!” sey ni Catriona, ang Miss Universe 2018. “11-year consecutive semi-streak Pilipinas.”