Pinoy mahina sa Math, Reading, Science

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang Malacanang sa resulta ng pag-aaral ng World Bank na lumabas na mahina ang mga estudyanteng Pinoy sa Math, Science at Reading.


Sa kanyang briefing, tiniyak ni presidential spokesperson Harry Roque na gagawa ng hakbang ang Department of Education (DepEd) para masolusyunan ang problema.


“That is very disturbing po and very alarming and I am sure Secretary Liling Briones and her team will sit down at the Deparment Education and study ways forward upon receiving this World Bank report,” sabi ni Roque.


Idinagdag ni Roque rerepasuhin ng DepEd ang ulat para makagawa ng kaukulang aksyon. –WC