Coffee shop o lamay?

ILANG araw nang viral ang coffee shop sa Bacolod City na may morbid na tema.


Pero imbes katakutan, patok sa mga kostumer ang Coffin Break Bistro kung saan kabaong ang mga dekorasyon at upuan.


Matatagpuan ang coffee shop sa likod ng isang punerarya at sa harap ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Burgos Ave.


Ayon sa ulat, itinayo ang establisimento noong Marso ng pamilya na nagmamay-ari ng punerarya sa Bago City.


Sinabi sa isang panayam ng may-ari na si Brylle Sy na ang kanyang target market ay mga hospital workers at mga tao na normal at karaniwan ang tingin sa mga ataul.


Niliwanag din ni Sy na brand-new ang mga kabaong na nakadispley sa kanyang shop at nagkakahalaga ng mahigit P100,000 ang isa.