KULELAT ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakaligtas na bansa sa mundo.
Ayon sa international monthly magazine na Global Finance, may tatlong salik o factor silang pinagbasehan para masabing ligtas ang isang bansa: war and peace; personal security; at natural disaster risk, kabilang ang Covid-19 response.
“Each of these factors was based on 2020 reports that were done in 2021. In order to make sure the data is relevant to current experiences, the COVID-19 scores were derived from data as of May 30, 2021,” paliwanag ng magazine.
Nakakuha ang Pilipinas ng score na 14.8999. Nasa ika-134 puwesto ito, mas mababa sa Bosnia and Herzegovina, Nigeria, Guatemala, at Colombia.
“Countries with serious civil conflict that have high risks from natural disaster such as the Philippines, Nigeria, Yemen, and El Salvador all reported relatively low death tolls from Covid-19, yet performed poorly in terms of safety overall,” hirit ng Global Finance.
Sa usapang kalamidad, nasa ikaapat na puwesto ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na nakaranas ng mga natural disasters sa loob ng 20 taon.
Samantala, pangalawa naman sa huli ang bansa sa tinatawag na Covid-19 resilience o kung paano nito nilalabanan ang pandemya.
Nangunguna naman sa listahan ang Iceland, United Arab Emirates at Qatar.