MALIBAN sa P35 milyon cash gift mula sa gobyerno at mga pribadong indibidwal, sandamakmak pang regalo ang naghihintay sa pagdating ni Hidilyn Diaz sa bansa.
Ngayong araw ay inihayag ng Megaworld Corp. na bibigyan nito ng P14 milyon na residential condominium unit sa Eastwood City ang kauna-unahang gold medalist ng Pilipinas.
“This epic moment is about 97 years in the making, and this is our way of saying thanks to Hidilyn for making us all proud,” ani Megaworld chief strategy officer Kevin Tan.
“We believe that it’s just right to give our first-ever Olympic gold medalist a home in our first-ever township, Eastwood City, where she can enjoy the township lifestyle with her family and loved ones,” dagdag ni Tan.
Nangako rin ang Century Properties ng P4 milyong halaga na bahay at lupa kay Hidilyn habang habambuhay na libreng gasolina mula sa Phoenix Petroleum ang regalo ni Dennis Uy at libreng sakay sa eroplano naman mula sa Air Asia. –A. Mae Rodriguez