MABIBILI sa Singapore ang isang brand ng beer na gawa sa tubig mula sa inodoro.
Recycled ang tubig kaya malinis ito, paniniyak ng Brewerkz, isang local craft brewery.
Ayon sa Brewerkz, ginagamitan nila ang kanilang NEWbrew, isang uri ng blond ale, ng NEWwater na isang brand naman ng drinking water sa Singapore na mula sa recycled sewage water.
Dahil sa limitadong pinagkukunan ng malinis na tubig, lumikha ang Singapore ng water recycling technology na nililinis ang mga tubig mula sa imburnal para muling mainom.
Dinisimpekta ito, “ginagamot” ng UV rays saka idinadaan sa iba’t-ibang treatment stage bago ito maging potable.
Sinabi ng isa sa mga nakainom ng NEWbrew na wala itong ipinagkaiba sa mga beer sa merkado.
“It tastes just like beer. There’s no way you can tell that the drink is actually recycled toilet water,” ayon dito.
Sinimulang ibenta ang nasabing beer nitong April.