1 sa 3 Pinoy umiinom ng higit 6 bote/tagay ng alak sa 1 upuan

ISINIWALAT ng Department of Health na isa sa tatlong Pilipino ay komukonsumo ng anim o higit pa na alcoholic drinks sa isang upuan.


Sa isinagawang survey sa 3,087 may-edad na Pinoy, lumabas sa 33.1 porsyento ang umiinom ng anim o higit pang bote/tagay ng alak sa isang okasyon.


“Alcohol use was higher in men compared to women, with 51.4 percent of men and 28.9 percent of women reporting current drinking use,” ayon sa DOH.


Kumpara sa mga babae, mas marami rin ang iniinom na alak ng mga lalaki.


Samantala, napag-alaman sa survey na isa sa 10 lalaki ang regular na nagsisigarilyo. –A. Mae Rodriguez