NAGLUNSAD ang United Nations ng fund drive na layuning makalikom ng $6.5 milyon para sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas.
Sinabi ni UN in-country coordinator Gustavo Gonzalez na pormal na sisimulang ngayong Biyernes ang kampanya.
“There is momentum for full support. Now the challenge is that all of this announcement and solidarity is rapidly translated into concrete actions,” sabi ni Gonzalez.
Target ng fund drive na matulungan ang 530,000 Pinoy na pinaka-apektado ng pananalasa ni ‘Odette.’