Cebuano artist nagbenta ng artwork para sa ‘Odette’ victims

PARA makalikom ng pondo na maibibigay na tulong sa mga kapwa taga Cebu na nasalanta ng Typhoon Odette, isang Cebuano artist ang nagbebenta ngayon ng kanyang mga obra.

Ayon kay Errol “Budoy” Marabiles, isang artist, ang pagbebentahan ay gagamitin para i-donate sa mga kababayan na matinding nasalanta ng bagyo.

“#OdettePH #rescue #relief #fundraiser Artworks up for grabs to fund rescue and relief efforts in Southwest Cebu,” ang caption niya sa kanyang Facebook page na @Budoy Marabiles.

Nagkakahalaga ang mga artworks mula P10,000 hanggang P50,000.





Maaari sa nais bumili ng kanyang art work, tawagan siya sa numerong 09390840501.

Sa nais naman magbigay ng donasyon, narito ang kanyang account:

BPI Gorordo Ave, Errol Marabiles 3619 0155 83
Gcash: 0939 0840 501
Paypal: [email protected]