Sharon nagbigay ng tulong sa ‘Odette’ victims sa Cebu

MAGKASAMANG nagpunta sina Mega star Sharon Cuneta at mister nitong si vice presidential aspirant Francis Pangilinan sa Cebu para maghatid ng tulong sa mga napinsala ng bagyong Odette.

Mismong ang mag-asawa rin ang namahagi ng mga food packs sa mga residente ng Cebu.

“Huwag niyo pong kakalimutan, maraming pagsubok pero mahal tayong lahat ng Panginoon, hindi niya tayo pababayaan. Manalig tayo,” sabi ni Sharon sa mga residente.

Pinagbigyan din ng Mega star ang mga Cebuano na magpapicture sa kanya.