Pinoy couples mas bet hayop kesa baby

KESA mag-anak, mas gusto ng mga bagong mag-asawa na mag-alaga ng aso o pusa, base sa pag-aaral ng Commission on Population and Development (PopCom).

Sa briefing, inanunsyo ni Mylin Mirasol Quiray ng PopCom na nagbago na ang pananaw ng mga Pilipino sa pagpapamilya.

“Yung mga Filipino couple prefer pets, ‘yung mga younger, than having a child,” aniya.

At kung sakaling mag-aanak, isa lang ang nais nila dahil trabaho ang kanilang prayoridad.

“Nagtatrabaho ang mga couples so they just prefer na isa lang ang anak,” pahayag ni Quiray.

Mas gusto rin ng nakararami, na nasa edad 30 pababa, ang live-in arrangement kesa sa kasal, dagdag niya.