Dagdag tips sa mga gustong maging flight attendant

LAST WEEK, nasa isang pinakamalaking recruitment event ako ng isang 5-star rating airline mula sa Middle East. Sadyang napakaraming pumunta para lang makamit ang kanilang mga pangarap maging isang flight attendant! May mga datihang beauty queens, artista, at mga ordinaryong tao katulad ko.

May mga nagpunta na hindi nila pansin kung para sa kanila nga ang trabaho, dahil mukhang hindi talaga sila preparado; ika nga, sumubok lang.

Pero kung talagang isa ka sa nais maging flight attendant, narito ang dagdag tips para kayo makapaghanda bago mag-apply.

(Balita ko babalik ulit sila, kaya abangan ninyo ang official announcements na ilalabas ng kanilang POEA-licensed agency at website.)

1. Paghandaan ang pananamit at itsura

Hindi ordinaryong job opening ang pag-aapply as flight attendant. Maliban sa masasabi nating angking talento ng isang aplikante, appearance matters to impress the employer.

Ladies and gents, heto ang mga listahan ng iyong paghahandaan, take this as an investment:

a. Pair of tailored business suit. Black or blue works good. Sa mga babae, kung kaya mong dalhin ang pastel colors, why not! Sa mga kalalakihan, ensure na kaya mong dalhin ang necktie.

b. Pair of decent shoes. Buy black, it is the safest color. Para sa mga babae, a 2-inch heel will do. Karamihan sa mga nakita kong mga aplikante, marahil sa tagal na nasa taguan ang mga sapatos, ay hindi na kinaya ang event at nasira ito habang nakapila. Magaganda at matitibay ang mga Marikina-made shoes. From P800 – P1,000 pwede ka nang makabili ng disenteng pares ng sapatos. Huwag pipili ng masyadong fancy, basta plain closed shoes OK na!

c. Make-up for ladies. Hindi pang pageant o pang-party, ha? Do not wear false eyelashes. Kung nagpa-microblading, ayos lang iyon. Tip: Red lipstick na ang skin tone mo is the key.

d. Hair style. Sa mga babae, put your hair in a bun kung ito ay mahaba or medium length, or sleek pag-pixie cut. Hair spray is your best friend. Sa mga kalalakihan, make sure na malinis at disenteng haircut ang meron ka. Hindi acceptable ang hip-hop hair dito at may color para sa kalalakihan (maliban lang kung naturally brown ang iyong hair).

e. Accessories (jewelry, bags, watches) Sa mga kababaihan, tinitingnan kung paano ka nagdadala ng iyong sarili habang naglalakad. Kaya make sure na proper accessories ang suot mo. Bumili ka ng decent size ng stud earrings (gold or pearl) and a dress watch. Fashion accessories are not appropriate para sa isang business suit. Sa mga kalalakihan, dress watch (stainless steel or leather) will do. Rugged style watch is a no-no (gaya ng G-shock). And yes, applicable to both – decent leather bags is a must, too. Sa mga ladies, kung ano ang color ng shoes, yun din ang color ng bag. Invest in a leather pair na medium size (not the overnighter or yung weekend bags). For men, a simple briefcase to put your documents will also do, not a bagpack or a casual messenger bag.

f. Plan your trip to participate in the event. Kung taga probinsya ka, you may need to have one (1) person or two (2) para sila ang magdadala ng mga gamit mo habang nag-aantay sila sa isang location malapit sa venue ng event. Kung may kaya ka naman, check-in ka na sa isang budget-friendly na hotel malapit sa venue. Byahe ka na a day before the event, para hindi ka namang ngarag or haggard during that day.

g. Habaan ang pasensya. Dahil maraming aplikante, may mga pagkakataon na talagang macha-challenge kung gaano kahaba ang iyong pisi. Maging pleasant at friendly. Hindi mo alam kung ano at saan ang pinangggalingan ng mga aplikante para lang makarating sa event.

h. Matutong maging alert at sumunod sa mga ibibigay na instructions sa process ng aplikasyon. Marami dito ang sumasablay dahil hindi marunong sumunod sa simple instructions.

2. Confidence is the key.

Kahit na napaghandaan mo ang mula item a to h, pag-ninerbiyos ka na, tila lumilipad na lahat ng preparasyon mo sa hangin. Kaya asahan na ikaw ay magpe-present sa iyong sarili. Pag-aralan paano ang proper way of walking papunta sa employer, hand mannerism, facial expression at ang tingin.

So ayan, sana makatulong ang mga tips na ito sa nalalapit na pagbabalik ng airline na aking tinutukoy. Magbasa-basa sa mga reliable source ng aviation tips, maging careful sa mga Facebook groups na sinusundan na puro pabida lang at puro “maritess” lang ang ginagawa para dumami ang followers.

Until next Friday!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]