Andrea: Prangkisa? Sa future natin ‘to

GAYA ni Vice Ganda, binutata rin ng young actress na si Andrea Brillantes ang mga umano’y trolls na iginigiit na kaya sinusuportahan ng mga artista si presidential candidate Vice President Leni Robredo ay upang maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa Twitter, sinabi ni Andrea na hindi dahil gusto niyang maibalik ang Kapamilya network kaya todo-kampanya siya kay Robredo.

“Para sa prangkisa? Lol. Para sa kinabukasan nating lahat toh,” tweet niya.

Matatandaan na tinawag ni Vice na “shunga” ang mga BBM-Sara supporters na paulit-ulit na idinikit sa isyu ng franchise ang mga artistang gaya niya ikinakampanya si Robredo

“Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa, dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na at pagmamay-arian nila ‘yan nang ilang dekada,” ayon sa TV host-comedian.

“Wala po. Kaya wala po kaming hinahabol na franchise. Malinaw ‘yan ha? Sa mga shunga-shungahan na troll, hindi po, wala po kaming hinahabol na franchise, dahil may may-ari ng iba ang franchise at hindi na mahahabol ‘yon ng ABS,” sey pa ni Vice.

Pahabol niya: “Ganoon ‘yon, shunga kayo!”